Sibilyan ginagamit na panangga ni Gadhafi

TUMIGIL pansamantala ang NATO forces sa pambobomba sa mga tauhan ni Libyan ruler Col. Moammar Gadhafi matapos gamitin ang mga sibilyan bilang panangga.

Ayon kay Brig. Gen. Mark van Uhm ng NATO, hindi sila makadiskarte dahil sa ginagamit ang mga sibilyan para makaiwas sa kanilang atake. Ang mga tauhan umano ni Gadhafi ay pumupunta sa mataong lugar kasama ang kanilang mga tanke. Walang magawa ang NATO forces dahil maraming sibilyan ang madadamay.

“When human beings are used as shields we don’t engage,” pahayag ni Brig Gen Mark van Uhm sa Brussels.

Samantala, nagbabala ang dating Interior Minister ni Gadhafi at tumatayong isang lider ng mga rebelde na si Gen. Abdul Fattah Younis na kapag hindi kumilos ang NATO ay mauubos ang mga rebelde at sibilyan sa Mistara.

“If Nato should wait another week, there will be no more Misrata. You will not find anyone”, ayon kay Gen. Younis.

Inakusahan din niya ang coalition forces sa hindi pagsunod sa UN Resolution 1973 na protektahan ang mga inosenteng sibilyan sa Libya. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply