Sindikato ng dumudukot ng mga bata pagpapatayin

AYOKONG maniwala sa mga bali-balita na may mga sindikato na dumudukot daw ng mga bata pag ibinalik na raw ang katawan ang bata ay patay na.

Ayoko mang maniwala pero ang dapat ay maging alerto ang ating mga kababayan sa mga kaganapan sa ating mga kapaligiran.

Basahin natin ang nilalaman ng text message ng isang concerned citizen.

Gud pm, Mr.Juan de Sabog. May gusto akong ipasabi. Totoo yung balita na may kumukuha ng mga bata at pag ibinalik na ay patay na at walang laman-loob. Nangyari ito sa 7th Ave., West Gracepark, Caloocan  City.

Bumili lang ng tinapay yung ina tapos may humintong van at inagaw yung bata sa ina. Ang masakit binaril pa sa mata ang ina. Meron din  sa Malabon. Sana yung DSWD, yun ang isa sa mga umaksyon  Salamat po!

HIGIT NA EARTH HOUR ISUSULONG NI OCHOA

Higit na mas mahabang Earth Hour ang isusulong ni Executive Sec. Paquito Ochoa.

Sa bisperas ng Earth Hour, nanawagan si Ochoa sa lahat ng ahensiyang pamahalaan, kabilang na ang mga korporasyong pag-aari ng gobyerno, institusyong pinansiyal at lokal na pamahalaan na lumahok sa paggunita sa Earth Hour ngayong 2011at pag-ibayuhin pa ang kampanya para sa hindi maaksayang paggamit ng enerhiya at pamumuhay.

Sa isang memo, hinihingi ni Ochoa sa lahat ng pinuno ng mga ahensiya at tanggapan ng gobyerno na lumahok sa taunang pagpatay ng mga ilaw sa loob ng isang oras mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi at sa main switch-off event sa Mall of Asia noong Sabado.

Binanggit ni Ochoa ang mahalagang papel ng gobyerno sa pagpapalawak ng kampanya upang masugpo ang global warning. Hinimok niya ang lahat na magiging masigasig sa pagsasagawa Earth Hour  Event para maging halimbawa sa iba. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply