Sinibak na Deputy OMB nagpasaklolo sa SC

NAGPASAKLOLO na sa Supreme Court (SC) ang sinibak na si Deputy Ombudsman Emilio Gonzalez III upang maharang ang ipinataw na dismissal order laban sa kanya ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Sa isinumiteng petisyon, hiniling ni Gonzalez na magpalabas ang korte ng status quo ante order upang maharang ang kautusan ng Malakanyang.

Iginiit ni Gonzalez na ang Ombudsman ay isang independent body na malinaw na nakasaad sa Article XI ng Saligang Batas at ng Republic Act 6770 o ng Ombudsman Act.

Sinabi rin ni Gonzalez na tanging ang Ombudsman ang may kapangyarihan na magsibak ng kanyang deputy o special prosecutor matapos sumailalim sa kaukulang proseso.

Magugunitang nito lamang Abril 1 ay sinibak ni Pangulong Aquino si Gonzalez bunsod ng mga kasong neglect of duty at gross misconduct kaugnay sa paghingi umano ng P150,000 mula kay hostage-taker Rolando Mendoza kapalit ng mabilis na pagresolba sa kasong nakabimbin sa Ombudsman.

Nanindigan naman ang Ombudsman na huwag ipatupad ang dismissal order laban kay Gonzalez dahil sa pagiging independent body nito.

“The Office of the Ombudsman shall have disciplinary authority over all appointive officials of the government except over officials who may be removed only by impeachment, or over members of Congress and the Judiciary,” ani Gonzalez. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply