Sino ba si ‘Col. Abalos’ ng Quezon City Police?

AKO’Y nahihiwagaan sa ‘kaanyuan’ ng isang ‘Col.  Abalos,’ na isang intelligence officer daw ng Quezon City Police District.

Kapag ang isang opisyal kasi ay naturingang ‘intelligence officer,’ aba’y hindi matatawaran ang galing nito sa crime fighting.

Pero, tila, kabaligtaran ang ulat na natatanggap natin. Intelligence officer na walang ‘accomplishment’ umano si ‘Col. Abalos.’

Imbes kasi na kumilos ang naturang opisyal laban sa krimen sa QC, ang pinagtutuunan ng pansin ay pakikisalamuha sa mga gambling lord. Ang balitang yan ay ‘intelligence report’ na natanggap ng Chokepoint.

Hindi tayo naniniwala, pero ang nakapagtataka, bakit ‘di nag-ooperate si colonel laban sa nagkalat na sugalan sa lungsod?

Tila, baga, kinukunsinti ang mga iligal na sugalan. Bakit kanyo? Hindi nga  hinuhuli ehhhhh. Kaya nagsususpetsa ang taumbayan.

Kung talagang walang alam si colonel sa mga sugalan, ito ang tip ng Chokepoint na maging gabay niya sa kanyang pagkilos.

Namamayagpag ang jueteng at loteng operation ng isang ‘Don Ramon’, loteng ni Lito Motor at lotengan ni Ver Bicol.

Para sa kaalaman ni ‘Col. Abalos’, ang area ng operation ni Don Ramon ay ang Kamuning, Fairview, Masambong, Commonwealth, Lagro, Tatalon, Novaliches at Cubao.

Baka ‘di rin alam ni colonel na si ‘Don Ramon’ ay dinala riyan sa QC ng isang retiradong general na malapit kay Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista.

Si Lito Motor ay nakopo ang pinakamalaking collection na umaabot ng P1 milyon kada araw. Yan kaya ay alam ni colonel?

Ito pa sir…ang mga ‘management’ ni Motor ay si Naneth na ang area ay sa K–9 Kamuning at Galas; Tita Puti, Gulod, Novaliches; Tata Poleng, Masambong; Bobby, Kalayaan; Dodong, Mendez, Sangandaan; Dennis, Novaliches proper; Marlie, Maligaya area; Nestor, Tandang Sora, Luzon; Pining, Holy Spirit at ang Murphy hawak nina Ferdie, Buboy at Jojo.

Naku, eh, napakarami pang mga gambling lord na nag-o-operate sa lungsod ni Bistek, pero sina Don Ramon at Lito Motor ang big time.

O ‘Col. Abalos’, huwag mong sabihin na hindi namin kayo binalitaan ukol sa GLs. Bong Padua

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply