Smart Gilas buwenas sa draw

SINUWERTE sa draw ang Smart Gilas matapos mapunta sa mahinang grupo sa FIBA-Asia Championship Cup na gaganapin sa bansa sa susunod na buwan.

Sa official draw nitong Biyernes, Abril 15, sa Columbus Function Room ng Discovery Suite, napunta sa Group A ang Smart Gilas kasama ang Jordan, Malaysia na dadalhin ng KL Dragons, Japan at isang entry mula sa Middle Asia na maaaring Kazakhstan o Afghanistan.

Mangunguna naman sa Group B ang two-time reigning FIBA-Asia men’s champion Mahran ng Iran na kinabibilangan din ng Lebanon, Al-Rayyan ng Qatar, Al Shabab ng United Arab Emirates at Syria.

Ang Pilipinas ang may pinakamaraming beses nanalo sa 30-year history ng torneo sa nakolektang limang titulo. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply