Solon namahagi ng tig-iisang expedition sa mga kapatid

SA KABILA ng paghihirap ng taumbayan, isang mambabatas ang namahagi o nagregalo ng tig-iisang expedition o luxury vehicle sa kanyang mga tunay na kapatid. Take note, ha, hindi anak sa labas ng tatay niya.

In fairness, mayaman naman ang naturang mambabatas at matulungin  sa mga taong mahihirap maging ang mga staff nga ay busog subalit hindi naman mabatid kung saan galing an ipinambili nito ng magagarang sasakyan.

Batay kasi sa napag-alaman ng matang kuwago ng Remate, wala o hindi nakadeklara sa Statement of Asset and Liabilities ni sir ang pagbili ng naturang luxury vehicles.

Maging ang sasakyan ni mambabatas ay latest model at paiba-iba.

Malay natin, baka lang dahil sa death threat. Ito ay kung mayroong ngang threat ang naturang mambabatas.

Hindi tuloy maalis ang duda ng ating matang kuwago kung saan galing ang pinambili ng butihing solon.

Baka naman kumita lang,  ang tanong saan? May negosyo ba si sir?

Eh, hindi ba bawal ang isang  government official na humawak ng isang negosyo o kompanya dahil sa conflict of interest.

Excited na ba kayo sa clue?

O sige ito na. Ito ay  naagawan ng kanyang puwesto sa kapulungan matapos na magtraydor ang mga nakinabang sa kanya na mga kapwa mambabatas.

Isa pang clue: Minsan na ring napagkamalan na may kabit ito matapos na makitang may ka-holding hands itong babae sa isang mall.

Yun naman pala ay anak niya ang naturang babae.

Sabi nga sa halalan: May natatalo at nananalo at minsan na rin siyang natalo sa eleksyon sa kabila ng kanyang bonggang-bonggang kampanya. Crispin Rizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply