Solon sa CHR, MTRCB: Siyasatin si Revillame

KINALAMPAG ng isang kongresista ang Commission on Human Rights (CHR) na siyasatin kung maaaring kasuhan ang aktor at host ng programang Willing Willie ng TV5 na si Willie Revillame.

Bukod sa CHR, kinalampag din ni Coop-NATCCO Rep. Cresente Paez ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na bigyan ng kaukulang parusa si Revillame dahil sa pagtrato nito sa isang bata na pinasayaw ng “macho dance.”

“We call on the CHR for an investigation and determine whether Revillame should be held criminally liable for any violations he committed against the child. We call on MTRCB to exercise its regulatory powers and censor the show host and the TV show Willing Willie aired on TV5.”

Sinabi pa ni Paez na hindi magandang impluwensya sa mga kabataan maging sa kabuuan ng mga manonood ang uri ng programa ni Revillame na ini-exploit ang menor-de-edad.

Inudyukan din ni Paez ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magsagawa ng psychological intervention sa bata gayundin sa pamilya nito.

Nais din ng mambabatas na mapagsabihan ng DSWD ang mga magulang ni Janjan Suan ukol sa tamang pagpapalaki sa anak gayundin ang pagpapakilala dito ng kanyang karapatan bilang isang bata.

“This is definitely exploitation of the poor sugarcoated as entertainment and good will. It should be stopped now. The exploitation of the poor saga continues victimizing a six-year-old child this time,” panawagan pa ni Paez sa mga nabanggit na ahensya.

Nag-ugat ang panawagang ito ng naturang party-list matapos maalarma sa ginawang pagtrato ni Revillame at ng Willing-Willie kay Janjan nang paulit-ulit itong pagsayawin na parang “macho dancer” noong Marso 12 sa nasabing programa.

“This is an utter violation and disrespect to the rights of the child guaranteed by Republic Act No. 7610 or the Special Protection of Children Against Abuse,”

Giit pa ni Paez, hindi dapat pinagsayaw si Janjan ng mahalay na sayaw kapalit ng pera dahil hindi ito naaangkop sa kaniyang edad.

“Revillame’s treatment of Janjan goes beyond mere entertainment. It pierces the child’s dignity as well as of his poor family.” Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply