Solusyon sa baha ‘di prayoridad ng DPWH

HINDI prayoridad ng Department of Public Works and Highway (DPWH) ang pagresolba sa problema sa baha sa MetroManila, ito ang lumabas na katotohanan sa idinaos na Public Consultation ng naturang ahensya.

Isiniwalat ni DPWH Secretary Rogelio Singson na nagtungo siya sa bansang Japan upang alamin at saksihan ang flood-containment ng lungsod ng Tokyo. Saksi umano siya sa teknolohiya at lumakad mismo ang kalihim sa tunnel na limang palapag ang taas na humahawak sa tubig baha sakaling umapaw ang river basin.

Sinabi rin ng kalihim na isa siya sa nagplano ng flood containment sa Fort Bonifacio upang hindi bahain ang lugar ng simulan itong isapribado at ibenta ang mga lupa ng gobyerno upang gawing Global City na tirahan ng mayayaman at tinayuan ng mga kompanyang multinasyunal.

Subalit hindi maipaliwanag ni Singson kung bakit hindi niya magawa ang nasabing disenyo laban sa baha sa Metro Manila.

May mga nakahanda umanong proyekto para rito subalit hindi nagbigay ng pahayag ang kalihim kung kailan ito isasama sa badyet.

Ang tanging nakasama sa badyet ng DPWH ay ang taun-taong flood-control projects na paglilinis lamang ng mga estero at kanal. Ben Reyes

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply