Somali pirates tumanggap ng ransom, ‘di pinalaya ang mga bihag

MAKARAANG makuha ang milyong dolyar na ransom money para makuha ang kinubkob na barko at mapalaya ang dinukot na tripulante, lumabag sa kasunduan ang mga pirata nang at nananatiling bihag ng mga ito ang mga Indian crew.

Sa kasalukuyan naghihirap sa kamay ng mga pirata ang mga Indian crew dahil bukod sa ransom money, ang pananatili ng mga bihag ay isang paghihiganti kaugnay sa pagkakadakip sa 100 Somali pirates na nadakip ng Indian Navy kamakailan.

“We decided to keep the Indian because India is holding our colleagues. We released the other crew members who sailed away from our coast, we will keep these Indians until the Indians release our colleagues,” ayon sa mga pirata.

Umaabot sa magit sa multimillion dollar ransom ang ibinayad bilang kabayaran sa kinubkob na barko na Asphalt Venture, na nakabase sa Mumbai, India. Ang mga pirata ay binayaran umano ng halagang  $5million para i-release ang barko at ang mga crew nitong Biyernes, Abril 15.

Hindi pa umano malinaw kung ilan sa 15 Indian crew members ang nakasakay sa  Asphalt Venture. Ang barko ay hinostage nitong nakalipas na Setyembre.

Nauna rito, sa kauna-unahang pagkakataon, pinatay ng mga pirata ang apat na hinostage na Amerikano sa mga yate.

Ayon sa awtoridad ang mga pirata tumitindi ang pagiging agresibo at lalong nagiging bayolente.

Magugunita na nitong mga nakalipas na buwan, ang Indian navy ay nadakip ang may 120 pirata, karamihan umano dito ay pawing mga Somali. Nitong nakalipas na buwan ay nakahuli uli ang Indian Navy ng 61 pirata makaraang atakehin ng mga ito ang isang naval ship na umaagapay sa isang merchant ship.

Ang pagkakadakip sa mga pirata ay hakbang sa pagtugon sa intenational anti-piracy surveillance sa Indian Ocean area mula pa noong taong 2008.

Batay sa ulat, hawak pa ng mga pirata ay may 20 barko at umaabot sa 600 tripulate ang nananatiling hostage ng mga ito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply