South Korean ship na-hijack ng Somali pirates

PINANINIWALAANG kinubkob ng Somali pirates ang barko ng South Korea na patungong Singapore, ulat ng foreign ministry ngayong Huwebes ng umaga, Abril 21.

Batay sa report, ang 75,000-ton container ship ay may 14 South Korean na tripulante. Ito ay naglalayag sa karagatan ng Somalia.

Ayon sa nakalap na ulat, ang container ship ay nawalan ng komunikasyon at hindi na makontak ang operator ng Hanjin Shipping.

Sa kasalukuyan, kinukumpirma pa ng awtoridad ang iba pang detalye kaugnay na nawawalang barko na malaki ang paniniwalang dinukot ng mag pirata sa karagatan.

Magugugnita na nitong nakaraang Abril 16, iniulat na kinuha ng mga pirata ang milyong dolyar na ransom money kapalit ng kinubkob na barko na Asphalt Venture at mapalaya ang 15 Indian crew.

Taliwas sa inaasahang lumabag sa kasunduan ang mga pirata at nananatiling bihag ang mga tripulante. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply