Walang pasok sa ika-150 kaarawan ni Jose Rizal

BAGAMA’T mahigit isang buwan pa ang ipaghihintay ng lahat ay idineklara na ng Malakanyang na special non-working holiday ang Hunyo 20 upang gunitain ang ika-150 kaarawan ng pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal.

Inanunsyo ni  Executive Secretary Paquito N. Ochoa Jr. na maagang nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Proclamation No. 154, na naglilipat sa Hunyo 20 (Lunes) ang paggunita ng nasabing okasyon, na dapat ay Hunyo 19 (Linggo).

Ang hakbang ay batay sa rekomendasyon ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) para ang mga tao ay makibahagi sa mga aktibidad na may kinalaman sa nasabing pagdiriwang.

“The President deems it as an opportune time for our kababayans to commemorate our national hero’s achievements and sacrifices for our beloved country, rekindle their admiration and respect for him, as well as participate in the various ceremonies that were prepared to celebrate this occasion,” pahayag ni Ochoa.

Sa isang liham, sinabi ni NHCP Executive Director III Ludovico Badoy kay Pangulong Aquino na ang ilang aktibidad ng pagdiriwang ay inihanda ng pamahalaan at ilang pribadong sector.

Kabilang sa mga ito ay ang commemorative rites sa Rizal Shrine sa Calamba, Laguna, kung saan ipinanganak si Rizal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply