Special prosecutor sa plea bargaining agreement kay Garcia, dumulog na rin sa SC

UMAPELA na rin sa Korte Suprema si Special Prosecutor Wendell Sulit para hilinging ipatigil ang ginagawang pag-iimbestiga ng Office of the President laban sa kanya kaugnay ng kontrobersyal na plea bargaining agreement na kanilang pinasok kay General Carlos Garcia.

Sa Petition for Certiorari and Prohibition na inihain ni Sulit sa Korte Suprema, hiniling din niya na magpalabas ito ng preliminary injunction at temporary restraining order laban sa pag-iimbestiga ng Palasyo.

Hinihiling ni Sulit na pigiling maipatupad ang undated order mula sa Office of the President na may kinalaman sa Resolusyon ng House committee on justice tungkol sa plea deal.

Nakasaad sa nasabing resolusyon ang rekomendasyon ng Kamara sa Pangulo na mapaalis si Sulit sa puwesto dahil sa umano’y pagiging ignorante sa batas at kawalan ng propesyonalismo bunsod ng nasabing plea deal.

Hinihiling din ni Sulit sa hukuman na mapawalang bisa o maisantabi ang Notice of Preliminary Investigation na itinakda ng Malakanyang kaugnay ng kanyang kaso sa ika-15 ng Abril, at ideklara na ang batayan ng proceeding para mapaalis siya sa puwesto ay labag sa Konstitusyon.

Iginiit ni Sulit na premature ang administrative proceeding laban sa kanya dahil wala pa namang desisyon at Sandiganbayan sa plea deal ni Garcia.

Wala rin aniyang hurisdiksyon ang Office of the President sa kanyang kaso dahil sinasagkaan nito ang pagiging independyente ng Ombudsman. Teresa Tavares

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply