SPO2 Mendoza kusang loob na susuko

NAGPAHAYAG na ng kusang loob na pagsuko si SPO2 Gregorio Mendoza, kapatid ni hostage-taker na si Sr. Inspector  Rolando Mendoza,  pumatay sa sampung nasawi, kabilang ang 9 na Hong Kong nationals sa madugong insidente noong Agosto 23, 2010.

Ito ang  kinumpirma ni Chief Insp. Edgardo Carpio, hepe ng Manila Police District-Warrant Section, matapos magpalabas ng  warrant of arrest  kay SPO2 Mendoza, dating nakatalaga sa Manila Traffic Enforcement Unit na inisyu ni Manila Regional trial Court Judge Albert Tenorio Jr Branch 14, matapos umanong mabigong magpakita sa korte.

Nabatid sa team lider sa pagtugis kay Mendoza na si Insp. Fred Ramos, pinakahuli umano nilang pinuntahan ang bahay ng mga magulang ni Mendoza sa Barangay Banadera, Tanauan, Batangas ngunit hindi nila nakita ang pakay.

Isang kamag-anak umano ang nagkompirma na kusang loob nang susuko si Mendoza anomang oras mula ngayon.

Ang warrant of arrest ay kaugnay sa kasong serious ollegal detention at conspiracy kaugnay sa naganap na hostage taking noong Agosto 23, 2010 sa Luneta Grandstand.

May nakalaang piyansa na P200,000 para sa pansamantalang paglaya kay Mendoza. Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply