SPO2 Mendoza lumaya na

NAKALAYA na si SPO2 Gregorio Mendoza, matapos  pagbigyang makapaglagak ng mas mababang piyansa  para sa pansamantala niyang kalayaan.

Pinayagang magpiyansa si Mendoza ng P100,000 ni Manila Regional Trial Court (RTC) Judge Alberto tenorio Jr.

Si Mendoza ay sumuko kaninang umaga kay Justice Secretary Leila de Lima na itinurn-over naman sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Nauna nang hiniling ni Mendoza sa Manila RTC na babaan ang kanyang piyansang P200,000 sa P50,000 ngunit pinagbigyan lamang siya sa P100,000.

Matatandaan na nagpalabas ng warrant of arrest si Judge Tenorio kay Mendoza dahil na rin sa hindi pagdalo sa kinakaharap niyang dalawang kaso.

Si Mendoza ay may kasong serious illegal detention at conspiracy makaraang isangkot siya ng MPD sa hostage taking sa Luneta Grandstand noong Agusto 23, 2010 ikinasawi ng 9 Hong Kong nationals. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply