SPO2 Mendoza sumuko kay de Lima

SUMUKO na kay Justice Secretary Leila de Lima ang kapatid ng hostage taker na si Sr. Inspector Rolando Mendoza, pumatay sa kanyang mga bihag, kabilang ang 9 Hong Kong nationals noong Agosto 23, 2010.

Dakong 8:30 ng umaga kanina nang magtungo si SPO2 Gregorio Mendoza sa tanggapan ni de Lima para kusang loob na sumuko.

Napilitang lumantad si Mendoza matapos magpalabas ang korte ng arrest warrant laban sa kanya na idinaan kay Chief Insp. Edgardo Carpio, hepe ng Manila Police District-Warrant Section sa kanyang mga kasong Illegal Detention at Conspiracy.

Nitong Huwebes ay nagpahiwatig na ng pagsuko si SPO2 Mendoza sa MPD–Headquarters, subalit kinabukasan ay nabigla ang mga awtoridad nang kay de Lima sumuko ang nasabing pulis.

Gayunman nilinaw ng pulisya na ang warrant of arrest ni Mendoza ay hinggil sa kanyang nabanggit na mga kaso kaugnay sa naganap na hostage taking noong Agosto 23, 2010 sa Luneta Grandstand.

Naglaan naman ang korte ng P200,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Mendoza. Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply