SSC Lady Stags pinatalsik ng FEU Lady Tams

MAS MALAKAS na panunuwag ang ginamit ng Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws para sa paglulugmok sa San Sebastian College (SSC) Lady Stags tungo sa pagsukbit sa huling slot ng Shakey’s V-League Season 8 1st Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Inirehistro ng Lady Tams ang four sets na 26-24, 28-26, 22-25, 25-13 para mapabilang sa quarter finalist na binubuo ng Group A No.2 Southwestern University, Group B second seed na University of Saint La Salle at 4th ranked National University Lady Bulldogs.

Samantala ang Adamson Lady Falcons na nagtapos na No.3 sa Group B ay napasama sa quarterfinals bracket na kinabibilangan ng Ateneo Lady Eagles at Perpetual University Tossers at ng No.3 ng Group A na Lyceum Lady Pirates.

Sa pagkakasibak sa Lady Stags ay ang kauna-unahan nilang paglahok na walang ipinanalo at hindi nakasali sa quarterfinals bukod sa hindi nakatikim ng panalo sa elimination round. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply