SSS umaksyon sa Montessori School

BIGYAN natin uli ng daan ang isa pang reaction letter ng Social Security  System (SSS) sa aming managing editor na si Ms. Lydia Bueno kaugnay sa di pagbibigay ng 13th Mo. Pay, SSS at PAGIBIG ng Our Lady of Guadalupe Montessori School of Cavite.

Heto ang sagot ni Mr. Joel Palacios, Assistant V-President Media Affairs Department ng SSS.

Attention: Johnny Magalona, Columnist, Juan De Sabog

Bb. Bueno,

Ito ay kaugnay sa artikulong ”Di Nagbibigay ng 13th Mo. Pay, SSS at PAGIBIG” na nailathala sa pitak na “Juan  De Sabog” ni G. Johnny Magalona sa Remate noong Nobyembre 21, 2010.

Ayon sa pitak, hindi raw nagbibigay ng 13th month pay, SSS at PAGIBIG sa mga teacher ang may-ari ng Our Lady of Guadalupe Montessori School of Cavite.

Ang nabanggit na isyu ay iniimbestigahan na ng SSS Bacoor Branch at base sa kanilang paunang report wala ang may-ari ng paaralan na si Gng. Florinda M. Vilaflor nang kanila itong puntahan para personal na makausap.

Isa sa  mga guro ang kanilang nakapanayam at ayon sa kaniya, mayroon silang siyam na empleyado, kasama na ang apat na guro sa kanilang Green Valley Branch subalit dalawa lamang sa kanila ang naka-report bilang empleyado.

Idinagdag pa ng SSS Bacoor na nagpadala na rin sila ng request sa pamunuan ng paaralan para isumite ang payroll ng kanilang mga empleyado mula Hunyo 2005 hanggang sa kasalukuyan at ang mga proof of payment para sa mga remittance ng mga guro . Subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin binibigay ang mga naturang dokumento.

Makaaasa ang mga guro na patuloy pa ring iniimbestigahan ng SSS Bacoor  ang reklamo laban sa kanilang employer  at ito ay bibigyan ng karampatan na aksyon ng SSS Bacoor.

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply