SSS umaksyon sa reklamo ng mga obrero sa Asiapro

BAGO natin ipagpatuloy na talakayin ang korap na piskal sa Quezon City,  bigyan  na muna natin ng daan itong reaction letter ng Social Security System (SSS) na ipinadala sa aming Managing Editor na si Ms. Lydia Bueno kaugnay sa reklamo ng mga empleyado ng Asiapro Agency.

Heto po ang sagot ni Mr. Joel Palacios, Assistant V-President Media Affairs Department ng SSS.

ATTN: G. Johnny Magalona, Columnist, Juan De Sa-bog.

Bb. Bueno,
Ito ay kaugnay sa artikulong “Sobra-Sobrang Magkaltas ng SSS Sa Mga Mangmang” na nailathala sa pitak na “Juan De Sabog” ni Johnny Magalona sa Remate noong Marso 22, 2001.

Ayon sa pitak “Ang masuwitik na pagproseso ng Asiapro Agency sa Kapitolyo ng Pasig  ang ating sisilipin. Sobra-sobra kung magkaltas ito sa singil sa SSS at halos P800 kada buwan ang nakakaltas sa mga trabahador kahit helper lang daw ang mga trabahador sa nasabing kompanya, ganun kalaki ang kaltas sa mga ito. Amin nang ni-refer ang nasabing employer sa SSS Pasig-Shaw at kasalukuyan na nilang iniimbestigahan ang nabanggit na kaso. Agad namin kayong susulatan para magbigay ng update patungkol dito.

Salamat sa pagkakataong mailabas ang aming panig sa inyong pahayagan.

oOo

Sex trade sa KTV sa Ongpin tuloy

Grabe ang sex trade sa LIDO de Parish KTV sa  Ongpin St., Sta Cruz, Manila. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin daw na kinakalakal ng may-ari ng KTV ang mga katawan ng kanilang mga kababaihan.

Walang takot at buong tapang na ibinebenta ng  may-aring si Wilson Chua  ang mga katawan ng kanilang mga babaing nagtatrabaho sa kanilang KTV.

Kinakaladkad pa ang pangalan ni Mayor Fred Lim.

Anomang reklamo o puna ay itext lamang sa 0918927-4764,09266719269 o e-mail sa juandesa-bog @yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply