St. Louis airport pininsala ng buhawi

NAGLIPARAN at nasira ang mga bubong ng mga residente malapit sa Lambert airport sa St. Louis, Missouri nang manalasa ang isang dambuhalang buhawi.
Nabatid na maraming sasakyan ang sinira ng naturang dambuhalang ipu-ipo.
Ayon sa tagapagsalita ng paliparan na si Jeff Lea, hindi pa malinaw kung ilan ang sugatan.
Ayon pa sa ulat, napinsala rin ang pasilidad ng Air National Guard sa nasabing paliparan.
Hindi pa makumpirma ngayon kung may eroplanong naapektuhan sa pananalasa ng buhawi kung saan nawalan ng kuryente sa naturang paliparan. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply