State of Emergency sa Syria aalisin na

PINANGAKO ni Syrian President Bashar al-Assad na aalisin na ang State of Emergency sa bansa na nakataas pa taong 1963.

Hiniling ni President al-Assad sa mga bagong miyembro ng kanyang parliamento na kaagad magpasa ng isang batas para maialis na ang State of Emergency ng bansa.

Isa ito sa mga kahilingan ng mga nagpo-protesta sa kanyang bansa. Subalit ang naturang umiiral na batas ay papalitan ng isang anti-terrorism law.

“Next week is the maximum time limit for completion of these laws regarding the lifting of the state of emergency,” ayon kay Assad.

“When the lifting of the emergency law package is issued, it should be firmly enforced. The Syrian people are civilised. They love order and they do not accept chaos and mob rule,” dagdag pa niya.

Patuloy pa ang pagdami ng mga nagra-rally sa iba’t ibang bahagi ng bansa at inaasahan ng kampo ni al-Assad na mababawasan ang mga ito hanggang sa tuluyang maging payapa uli ang kanilang bansa. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply