State of Emergency sa Syria inalis na

INALIS na ng umiiral na ang State of Emergency ng bansang Syria upang mapahupa ang lumulobong nagpo-protesta sa bansa laban sa pamamahala ni President Bassar al-Assad.

Hindi naman natinag ang mga nagpoprotesta sa nasabing balita dahil ang kanilang kahilingan ngayon ang pagpapaalis sa rehimen ni President Bassar.

“They don’t want to admit there’s a Syrian revolution. The people are not interested in small changes here and there anymore,” ayon sa isang protestor sa lungsod ng Banias.

Ang pag-aalis ng State of Emergency ng bansa ay ipinangako ni al-Assad noong nakaraang linggo sa mga mamamayan ng Syria.

Samantala hindi naman bumilib ang Amerika sa ginawa ni al-Assad ayon kay U.S. State Department spokesman Mark Toner.

“He has cast himself for a while now as a reformer. We’ve seen a lot of words and not a lot of action. But ultimately it’s really for the Syrian people to decide if he said enough, or if he’s done enough,” ayon kay Toner. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply