Subsidiya sa petrolyo dadagdagan ng P1B

MAGPAPALABAS ng karagdagang P1 bilyong pondo ang Malakanyang bilang ayuda sa naunang inilaan na P450 milyong subsidiya sa petrolyo para sa sektor ng pampublikong transportasyon, magsasaka at mga mangingisda sa buong bansa.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda sa press briefing sa Palasyo bago pa sumapit ang pamamahagi ng Pantawid Pasada smart cards sa mga makatatanggap ng ayuda ng pamahalaan.

Ayon kay Lacierda, nakahanda ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III na magpalabas ng karagdagang P1 bilyon upang mapalawig ang masasakop ng naturang programa ng pamahalaan.

Ang panibagong pahayag ng Palasyo ay bunsod na rin ng mga nakalipas na sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa at patuloy na banta ng paglobo ng mga presyo nito sa mga susunod na mga linggo.

Nauna rito, iniulat din ng Department of Finance (DOF) na pasok sa target ng pamahalaan ang naitalang deficit sa unang tatlong buwan ng taong kasalukuyan.

Ayon sa naturang Kagawaran, sanhi ng malakas na koleksyon sa buwis at pagbaba ng gastusin sa gobyerno ay naitala ang P26.197 bilyon shortfall na higit na mababa sa inaasahang Php111.986 bilyon para sa buwan ng Enero hanggang Marso 2011.

Sanhi ng higit na mababang budget deficit, binigyan-diin ni Lacierda na kaya ng pamahalaan na palawigin ang mga mabibigyan ng suportang pinansyal sa pamamagitan ng naturang subsidiya, partikular na rito ang mga sektor na direktang apektado ng kambal na pagtataas ng mga presyo ng petrolyo at pangunahing bilihin sa merkado. Axel Sam

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply