Suicide bombing sa Pakistan, 41 patay

TINATAYANG 41 katao ang nasawi makaraang magpasabog ang isang suicide bomber habang nagsasagawa ng pagtitipon ang mga Sufi Muslims sa simbahan ng Sakhi Sarwar sa Punjab, Pakistan na ikinasugat din ng marami.

Ayon kay Ensanullah Ehsan, ang insidente ay ganti ng mga militante dahil sa ginagawang opensiba ng gobyerno sa kanila.

Sa pahayag ni Police Officer Zahid Hussain, naglalakad lamang ang dalawang suspek papunta sa simbahan at nang harangin ito ng mga pulis ay pinasabog nito ang kanilang mga sarili.

Inihayag din ng pulisya, nahuli nila ang isa pang suicide bomber bago pa man ito napasabog ang kanyang sarili.

“People started running outside the shrine. Women and children were crying and screaming. It was like hell,” ayon kay Faisal Iqbal na nakatayo lamang ilang metro lang ang layo kung saan naganap ang pagsabog.

Tinatayang aakyat pa ang mga casualty dahil sobrang lubha umano ang mga tama ng iba pang dinala sa mga pagamutan, ayon sa isang pang saksi. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply