Sumilip lang: Amang lumabas na ng bansa

MATAPOS magdulot ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa, lumabas na ng Philippine territory ang bagyong “Amang” bago magmadaling-araw ng Martes, Abril 4.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), patungo na si Amang sa dako ng Pacific Ocean.

“Itong unang bagyo na si Amang ay tuluyan nang lumabas sa Philippine Area of Responsibility. Ito ay parang sumilip lang,” ayon kay PAGASA forecaster Elvie Enriquez sa isang panayam sa dzBB.

Ayon kay Enriquez, bukod sa pag-ulan sa ibang bahagi ng bansa, wala namang gaanong naging epekto ito sa Pilipinas.

Kinumpirma rin ng PAGASA na wala namang namamataang susunod na papasok na bagyo sa bansa.
Ayon sa PAGASA, bandang 10 p.m. ng Lunes, namataan ang bagyong Amang sa 1,100 km east-northeast ng bayan ng Borongan sa Eastern Samar.

Taglay ni Amang ang hanging may bilis na 55 kph patungo sa northeast.

Inaasahang pagdating ng Martes ng gabi, ito ay nasa may layong 1,590 km east-northeast ng Virac, Catanduanes. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply