Sundalo todas sa lone gunman

PINAGBABARIL ang isang sundalo ng ‘lone gunman’ na nagpanggap na kustomer at bibili ng gasolina kagabi sa bayan ng Tanay.

Kinilala ni Rizal Philippine National Police (PNP) director, P/Sr. Supt. Manuel Prieto, ang biktima na si Technical Sgt. Jose Deza, 47, ng Brgy. Sampaloc ng nasabing bayan at miyembro ng Philippine Army, nakatalaga sa 2nd Division, Camp Capinpin, Tanay.

Tumakas naman ang salarin sakay ng kanyang motorsiklo matapos ang pamamaril.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa kanyang tindahan kung saan abala ang biktima sa pagbabantay.

Nabatid na lumapit ang suspek at nagtanong kung magkano ang isang litro ng gasolina. Habang kinukuha ng biktima ang gasolia ay biglang pinagbabaril ito.

Una rito, tatlong buwan na ang nakakalipas ay nakatanggap ng pagbabanta ang biktima sa kanyang buhay subalit hindi naman ito pinagtuunan ng pansin.

Nagsasagawa na nang masusing imbestigasyon ang pulisya kung ano ang motibo sa pamamaslang kay Deza. Jhie Convocar

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply