Sunog sa Guadalupe, Makati, 2 sugatan

DALAWA ang nasugatan sa nasususnog na residential area sa Guadalupe, Makati City, ngayong Martes, Abril 19.

Ayon kay C/Supt. Santiago Laguna ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang sunog sa Laperal Compound, Barangay Guadalupe Nuevo ay nasa 5th alarm at itinaas na sa Task Force Bravo.

Nangangamba naman ang awtoridad sa billbopard na maaaring bumagsak dahil naaabot na ito ng sunog, malapit lamang sa Guada bridge.

Rumesponde naman ang may 60 firetrucks at kasalukayan pa ring inaapula ang sunog.

Sa inisyal na ulat, nagsimula ang sunog sa isang napabayaang kalan. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply