Sunog sa Kyusi, paslit tusta

PATAY ang isang paslit habang lima naman ang sugatan at tinatayang 900 residente ang nawalan ng tahanan sa sunog na naganap kahapon ng hapon, Abril 11 at naapula bandang gabi na sa Quezon City.

Ayon sa report ng dzBB umaga ng Martes, nabatid na ang bata na hindi kaagad pinangalanan ay naiwan sa loob ng isang bahay sa barangay Culiat.

Ayon sa ina ng bata, naiwan ang bata sa pangangalaga ng isa nilang kapitbahay habang abala ang lahat sa paglilikas ng mga kagamitan. Ayon pa sa ina, nang balikan niya ang kanyang anak, hindi na makontrol pa ang apoy.

Bandang 9 p.m. na nang maapula ang apoy. Hinala naman ng mga imbestigador na electrical short circuit ang sanhi ng naturang sunog dahil sa madami sa mga residente ang gumagamit ng illegal electrical connections.

Kinaumagahan ng Martes, pangunahing problema ng mga nasunugan ang kanilang pagkain at magiging tirahan.

“Lord, presidente, sana manghingi kami kaunting tulong lang po, ayon sa isang nasunugan. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply