300 bahay natupok sa sunog sa Parañaque

UMABOT sa humigit kumulang sa 300 bahay ang tinupok ng apoy makaraang sumabog ang isang LPG tank Biyernes ng hapon sa Parañaque City.

Ang sunog ay nagsimula bandang 3:30 ng hapon sa Barangay Sto. Nino, nabanggit na lungsod.

Ang apoy ay mabilis na kumalat nang mahirapan ang mga pamatay sunog na maapula ang sunog na agad tinupok ang buong squatters area na pawang gawa sa kahoy ang mga bahay.

Batay sa ulat ng Parañaque Fire Protection, ang apoy ay idineklarang under control dakong 5:25 ng hapon.

Wala namang iniulat na namatay o nasaktan sa insidente. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply