Sunog, sunog at sunog pa ngayong bakasyon

HINDI tayo makapaniwala na grabe ang mga nagaganap na sunog sa Metro Manila. Halos araw-araw na lamang na may sunog. At kung may sunog, hindi lang wans but tways o trays o higit pa sa isang araw.

Kung titingnan ang mga nasusunog, hindi lamang ang mga komunidad ng mga mahihirap ang nasusunugan. May nasusunog ding mararangyang tahanan, pabrika at gusali.

oOo

Ito ang napapansin natin sa mga mahihirap na lugar na nasusunugan. Kung galing ang sunog sa kawad ng kuryente, maaaring isang dahilan ang mga diyaskeng may diamper na umiiwas sa pagbabayad ng mahal na kuryente.

Isinasabit lang ang mga alambre kung saan-saan para magkaroon sila ng kuryente at kung may kiskisan ang mga alambre, diyan na nagkakaroon ng sunog, kasabay ng pagpapalayas sa kanila sa mga may interes sa lupa.

Ang mga sunog naman sa mga mararangya o may negosyong lugar ay maaaring dahil sa insyurans.

Gusto lamang makabawi sa pagkalugi o magkapera ang mga may-ari.

Sa kawad ng kuryente pa rin, marami ang mga nabibiling alambre na imported pero ang daling mag-init at masunog, kasama ang madali ring masunog na aplayanses. Sa katitipid ni Juan dahil sa hirap ng buhay, pati ang pagbili ng kawad at aplayans ay tinitipid din hanggang sa magkaroon ng sunog.

oOo

Matanong natin ngayon ang mga bumbero.

Ano-ano ang iniuulat ninyong mga dahilan ng sunog, huh?

Kabilang ba sa mga ito ang mga substandard na kawad at gamit na galing sa mga ismagler, maniobra sa insurance, kahirapan sa buhay, sobrang mahal na kuryente at kapabayaan o sadyang pagpapabaya ng pamahalaan dito?

Kung hindi, eh, tiyak na walang makaaapula ng sunog.

Bilib it or nat! Rey Briones

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply