Syria may bagong gobyerno

INANUNSIYO ni Syrian President Bashar al-Assad ang pagbubuo ng mga bagong miyembro na magpapatakbo at mamamahala ng gobyerno ng kanilang bansa.

Hinirang bilang prime minister ng bansa si Adel Safar, isang dating agriculture minister at nagbitiw sa kanyang pwesto noong nakaraang buwan.

Hindi naman naalis sa pwesto sina Foreign Minister Walid al-Moallem at Defense Minister Ali Habib. Ang iba umanong mahahalagang posisyon ay naibigay sa mga bagong mukha.

Ayon sa ilang political experts, ang naturang desisyon ni al-Assad ay taktika para humupa ang lalong lumalaking kilos protesta sa bansa.

Nauna ng hiningi ng mga protestors ang pagbasura sa 48-taong emergency rule at ang one-party rule na umiiral sa bansa. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply