Syria may bagong prime minister

HINIRANG ni Syrian President Bashar al-Assad si dating Agriculture Minister Adel Safar bilang bagong Prime Minister at inatasan niya itong bumuo ng kanyang kabinete sa lalong madaling panahon.

Si Safar ay dating academic professor at may doctorate sa biotechnology. Nagsilbi din siyang Agriculture Minister at walong taon bago nahirang sa puwesto.

Samantala, lalo umanong lumobo ang dami ng nag-poprotesta laban sa gobyerno dahil sa pagkakapatay ng ilang demonstrador noon Biyernes.

Kakalibing lang kahapon, Abril 3, ng walong mga biktima na tinawag nilang “martyrs”.

“The area was so packed with thousands of people it was difficult to move. It is the biggest crowd I have ever seen since the unrest started.”, ayon kay human rights activist Wissam Tarif. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply