Taal bahagyang humupa– Phivolcs

AYON sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bahagyang humupa ang aktibidad ng Bulkang Taal sa Batangas.

Sa pinaka-latest na ulat ng Phivolcs, sa nakalipas na magdamag ay walang naitalang pagyanig sa Taal.

Ngunit, mainit pa rin ang temperatura sa crater ng bulkan na nasa 31.8 degrees Celsius, mas mainit kumpara sa mga nakalipas na araw.

Sa kabila ng pananamlay ngayon ng Taal, ay nananatiling nasa alert level 2 ito.

Payo pa rin ng nasabing ahensya na iwasan pa rin ang main crater, Daang Kastila Trail at Mt. Tabaro, mga lugar na malubhang naapektuhan sa pagsabog noong 1965 at 1977. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply