Tag-init papasok na

MAKARAANG maitala ang unang bagyo sa bansa, posibleng ideklara naman sa susunod na linggo ng PAGASA ang pagpasok ng summer season.

Ayon sa ulat ni Robert Sawi ng Pagasa, kapag napawi na ang malakas na volume ng hanging amihan ay saka lamang masasabing panahon na ng tag-init sa Pilipinas.
Taliwas dito, nabatid sa PAGASA na makararanas pa rin ng bagyo sa bansa kahit maideklara na ang summer season.

Kasunod nito, nabatid sa PAGASA na isa pang sama ng panahon ang posibleng mabuo sa Pacific Ocean at tinatayang makakaapekto na naman sa mga lalawigan sa eastern section ng ating bansa.

Naglalaro ang temperatura sa pagitan ng 24 hanggang 31 antas ng sentigrado. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply