Tagong-yaman ng Marcos patuloy na nilulustay

IPAGPATULOY natin ang  pagkalkal sa ill-gotten wealth ng mga Marcos. Halos ilang beses na rin nating tinalakay sa espasyong ito ang nakatagong yaman ng mga Marcos na nilulustay lang ni Mommy Ilao at pamilya nito.

Makailang beses na rin nating tinawagan ng pansin ang tanggapan ni Presidential Commission on Good Government Chairman Andres Bautista pero hanggang ngayon ay nananatiling bingi, pipi at bulag si chairman. Hindi ko alam kung magkano ang dahilan, este, ano ang dahilan nito.

Kaya eto na naman at muli nating basahin at ibalandra sa pagmumukha uli ni Chairman Bautista ang isa pang impormasyon dito.

Magandang araw sa inyo, gayundin sa mga kasamahan sa malaganap ninyong pahayagan.

Nais ko lang ipagpatuloy ang istorya ukol sa nakalululang kayamanan ni Mommy Ilao na dating mayordoma ng pamilyang Marcos.

Sa ngayon, walang humpay ang pagpapalawak ng mga ari-arian ni Mommy Ilao na karamihan ay nakapangalan sa asawang si Fil Sta. Ana, anak na si Jeff Garrido at apong si Barangay Captain Coy Garrido.

Halos araw-gabi  ang konstruksiyon sa mga town house at pagpapapatag ng maluwag na lupain nina Mommy Ilao sa Km. 37, Barangay Pulong, Buhangin, Sta. Maria, Bulacan.

Kasabay nito ay under construction din ang isang malaking bahay nila sa Barangay Balasing kung saan ito ang ginagawang pahingahan ni Mommy Ilao.

Pulis VK operator, meyor kunsintidor

Ang latest sa pulis na bata ni San Antonio, Nueva Ecija Mayor Arvin Salonga na si PO2 Cruz ay hindi  ito tumitigil sa pag-oopereyt ng mga salot na makina (VK).

Ipinagmamalaki kasi si Mayor Salonga na isang kunsintidor na alkalde

oOo

Anomang mga reklamo o puna ay itext lang sa 0918-9274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply