Tatay ng ikinasal binoga sa reception

NABAHIRAN ng dugo ang isang masayang okasyon nang may 10 kabataan ang lumusob sa isang wedding reception sa Quezon City, Sabado ng madaling araw, Abril 30, at binaril ang tatay ng lalaking ikinasal matapos holdapin ang bagong kasal at kanilang bisita ng kanilang mga mahahalagang gamit.

Dead on arrival sa Fairview General Hospital (FGH) sanhi ng tinamong tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa kanang balikat ang biktimang si Reynaldo Andres, Jr., residente ng Atis Street, Barangay Payatas, Q.C.

Inilarawan naman ng mga testigo ang mga suspek na tinatayang nasa 15 at 17 anyos, nakasuot ng bonnet sa mukha, at pawang armado ng kutsilyo at mga baril.

Sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling araw sa mismong bahay ng biktima na pinagdadausan ng isang wedding reception.

Bago ito, nabatid na nagkakasayahan ang mga biktima kasalo ang maraming bisita nang biglang dumating sa bahay ni Andres ang mga salarin at nagdeklara ng holdap.

Wala namang nagawa ang lalaki at ang babaeng ikinasal nang atasan ng mga salarin na ibigay ang kanilang wedding ring, iba pang alahas at mga pakimkin na pera.

Ilan naman sa mga bisita ang nagtangkang manlaban pero maging sila ay kinuyog ng mga salarin habang ang ilan naman ay hindi nadamay sa panghoihldap dahil nakalabas agad sa bahay ng biktima.

Tinangka naman pigilan ng biktima ang panghohodap pero habang nagsasalita it ay bigla na lamang binaril ng isa sa mga suspect at saka nagsitakas.

Bagama’t blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek, ikinasa na rin nila ang pagtugis sa mga ito upang panagutin sa krimen. Robert C. Ticzon

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply