Tatlong guwapo ang kakuyangyangan ni Jackie Rice

DELAYED na’ng Sisid ng GMA 7 at si Jackie Rice na bida nila ang may kasalanan.

“I really need to train first hindi lang sa diving kundi pati sa underwater swimming,” paliwanag niya. “Pero ngayon, magaling na ako kaya tuloy na tuloy ang project na ito. Talagang nagda-diet ako’t exercise para naman hindi nakakahiya ang porma ko sa underwater scenes na basang-basa ako’t mababakat ang katawan ko.”

Ipasisilip niya ang maalindog na katawan? “Launching ko ito, so kung anong hinihingi nila, ibibigay ko.”

Tatlo ang lalaking kakuyangyangan niya sa Sisid, “Survivor 1” winner JC Tiuseco, Starstruck V’s Ian Batherson and Dominic Roco. All of them also prepared themselves physically for their roles as they will be shirtless in a number of scenes. So who’ll get Jackie in the end?

“I’m not sure yet kung paano ang detalye ng kuwento,” sabi ni  Jackie. “Basta as of now, di ba ang suwerte ko na puro pogi at macho ang mga kapareha ko?”

Kontrabida naman ni Jackie sina Rich Asuncion at LJ Reyes.

Kung kailan pa naging gurang saka pa magpasaseksi si Phoem Barranda?

Sa true lang, ang tagal na ni Phoem Barranda sa showbiz. Mga isang dosenang taon na siguro o more. Kung anu-anong trabaho na siya napunta, but wala pa rin. Nothing came out of it. Tapos ngayon, magpa-sexy na raw siya?

Hahaha. Gurang na si Phoem, matanda na kumbaga. Sa panahong di na naman uso ang pagpaseksi, saan siya lulugar?

Kung kami si Phoem stick na lang siya sa pagiging tv starlet, baka isang araw makatisod pa siya ng suwerte.

Anyway, narito p ang isang maikling profile ni Phoem sa kanyang pagiging tv starlet.

Naging semi host host ng “Star News” segment ng ABS-CBN’s early evening newscast, “TV Patrol” and the showbiz-oriented show, “The Buzz,” pero walang iniwang marka.

Heto nga, inihahanda raw siya ng isang direktor para sa isang challenging role sa isang sexy movie. Phoemela takes on a new challenge in her career.  Isang malaking pelikula raw na untitled yet.

Matuloy kaya. Kung matuloy, kagatin kaya?

“This will be a new Phoemela whom audiences will see in this movie,m” sabi ng isa niyang kakampi.

“I am convinced that she can act, but she will surely surprise people with what she agreed to do in this project. I am confident that she will do it brilliantly.”

Sana nga, sana nga! Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply