Tax evaders dapat tuluyan – Escudero

KASUHAN at hindi dapat santuhin ng pamahalaan maging ito ay kaalyado ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino upang hindi mabahiran ng pamumulitika ang ginagawang paghahabol ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga hindi nagbabayad ng buwis.

“The program is not enough unless it is compounded with institutional changes and steps that run parallel to the end goal collecting real and actual revenues for the state. This program must have something to show for to get the message out there that the government means serious business against tax evaders. It is time for the concerned agencies to perform and perform high at that,” ani Sen. Francis Escudero.

Hinamon din ni Escudero ang Department of Justice (DOJ) na kumilos at tingnan ang 36 tax evasion cases na nauna nang naisampa at nakabinbin sa  korte simula ng ilunsad ng Pangulo ang tuwid na landas.

Ayon kay Escudero sa 36 na kasong naisampa na sa korte noon pang nakaraang taon ay wala ni isa man dito ang nagagawan ng indictment.

“The only way that tax evaders will see that the government is serious about this issue is when they see that cases are actually being filed in courts. What is taking the DOJ so long to act on these cases?” ani Escudero.

Nauna rito, tuwing Linggo ay nag-aanunsyo ang BIR at Bureau of Customs ng mga taong sinasampahan nila ng kaso sa pagiging tax evader o kaya ay smuggler

Ayon kay Escudero, maganda ang hakbanging ito subalit marapat lamang na makipag-ugnayan sila sa DOJ upang matutukan ang mga nasabing kaso.

“This area in the drive against tax evaders should be connected otherwise the program will just scratch the surface while those tax cheats will just continue laughing all their way to the banks,”  dagdag ni Escudero. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply