Taxi at bus operators pumalag sa ‘selective’ fuel subsidy

PUMALAG ang mga operator ng taxi at bus sa hindi pagkakasama sa kanila sa isang buwanang fuel subsidy program ng gobyerno sa mga jeepny at tricycle.

Sa interview, iginiit ni Leonora Naval, presidente ng Association of Taxi Operators in Metro Manila (ATOM), na apektado rin sila ng tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at Liquefied Petroleum Gas (LPG).

Iginiit ni Naval na kung pag-aaralan, mas mataas pa nga ang presyo ng gasolina kaysa diesel.

Nauna rito tinawag din nila na “unfair” ang program ng gobyerno sa fuel subsidy sa hindi rin pagsasama sa kanila sa program.

Sa text message ni Atty. Grace Adducol, spokesperson ng Metro Manila Bus Operators Associations of the Philippines (MMBOAP), hindi makatarungan ang fuel subsidy dahil na rin sa pa sa pagiging selective nito.

Ayon kay Adducol ang sinasabing P1.00 fare hike na inapruban ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay sagot sa kanilang petition of fare hike noon pang 2007 bilang fare adjustment.

Aniya ang kanilang grupo ay may nakabinbin pa ring petition of fare hike na dapat desisyunan na rin ng (LTFRB) upang sumigla ang sisinghap-singhap na industriya ng bus.

Ayon kay Adducol, bukod sa gastusin sa mataas ng petroleum products marami pang overhead ang mga bus operators tulad ng langis, gulong, sweldo ng mga mekaniko, secretary at iba pa. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply