Taxi na di magsasakay sa senior citizens kulong

PINAIIMBESTIGAHAN na ng isang kongresista ang talamak na pagtanggi ng mga tsuper ng taksi sa pagsasakay sa mga senior citizen.

Sa pamamagitan ng House Resolution 1052 ay isinulong ni Rep. Angelo Palmones ng  AGHAM Party-list sa House committee on transportation na siyasatin ang ganitong gawain ng maraming transport sector.

Binigyang-diin ng kongresista na maraming reklamo ang natatanggap ng kaniyang opisina hinggil sa hindi pagpapasakay ng mga taxi driver sa senior citizen na nais na umiwas sa 20 porsiyentong diskuwento na inalaan ng Senior Citizens Act 7432 para sa matatanda.

“This practice should be stopped and corrected soonest because it is a clear violation of RA 7432 and the rights of senior citizens as provided by law,” giit ni Palmones.

Sa ilalim ng RA 9994 ang mga senior citizen ay may karapatan sa 20 porsiyentong diskuwento sa “public utility buses (PUBs), public utility jeepneys (PUJs), taxis, Asian utility vehicles (AUVs), shuttle services and public railways” kabilang na dito ang Light Rail Transit (LRT), Metro Rail Transit (MRT) at Philippine National Railways (PNR).

Nakapaloob din dito na mahaharap sa multang P100,000 at pagkabilanggo ng mula dalawa hanggang anim na taon.

“To avail of the discount and privileges being accorded to them, the law will require them to submit an identification card issued by the Office of the Senior Citizens Affairs, their passports, or any document to prove they are at least 60 years old,” ayon pa kay Palmones. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply