Terminal, kalunsuran babakuran ng pulis ngayong Semana Santa

IPAKAKALAT ng Philippine National Police  ang mga unipormado nilang pulis sa lahat ng terminal at mataong lugar sa buong bansa para sa inilalatag nilang seguridad sa nalalapit na Semana Santa.

Kinumpirma ni Public Information Office chief of operation, Senior Inspector Kimberly Gonzales, ang nasabing preparasyon ay sinimulan  na nila noon pang Marso para sa 75 araw na Solar Holiday Public Safety Operation hanggang sa pagbubukas ng klase sa school year 2011-2012.

Ani Gonzales layunin  ng preparasyon na tiyakin ang seguridad ngayong tag-araw dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga bakasyunista sa iba’t-ibang panig ng bansa lalo na sa mga kilalang tourist spots.

Dahil dito nakikipag-ugnayan na ang PNP  sa Local Government Units (LGUs) kabilang ang homeowners associations. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply