Testigo sa Burgos case isasailalim sa proteksyon

IPINAG-UTOS na ni Justice Secretary Leila de Lima sa pinuno ng Witness Protection Program (WPP) na makipag-ugnayan sa Commission on Human Rights (CHR) upang pag-aralan ang posibleng pagsasailalim sa protection program sa dalawang testigo  sa kaso ng pagdukot sa human rights activist na si Jonas Burgos.

Ginawa ni De Lima ang hakbang matapos maghain  ng rekomendasyon  sa Korte Suprema ang CHR Special Investigation Team na humawak sa kaso ng pagkawala ni Jonas.

Sa naturang rekomendasyon,  hiniling na ilagay sa pangangalaga ng  WPP sina Jeffrey T. Cabintoy at  Elsa B. Agasang.

Sa kanilang salaysay nakita ng dalawang testigo  ang ginawang pagkaladkad kay Burgos ng mga salarin noong April 28, 2007 sa loob ng isang restoran sa  Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Kinilala  ng dalawang testigo  sina Army officer 1st Lieutenant Harry Baliaga Jr.  ng  56th Infantry Battalion ng Philippine Army mula sa Philippine Military Academy yearbook bilang isa sa tumangay kay Burgos.

“Your office is instructed to coordinate with the Office of the Commissioner Jose Manuel Mamauag of the CHR and the members of the Special Investigation Team of said Commission on the Burgos agduction case…immediately upon receipt of this Memorandum for purposes of evaluating [Cabintoy and Agasang] for possible admission to, or coverage under the WPP”, saad sa memorandum order ni  De Lima kay Atty. Martin Menez, acting WPP director.

Inatasan ni De Lima si Menez  na ipaalam sa kanyan ang resulta ng evaluation.

Ang pagsusumite ng  compliance ng CHR sa  Supreme Court ay tugon  sa kautusan na magsagawa ng malawakang imbestigasyon sa kaso ni Jonas kaugnay pa rin sa nakabimbing petition for writ of amparo na inihain sa SC ni Mrs Editha Burgos, ina ng aktibista.

Ayon sa CHR may “overwhelming evidence” na sangkot si 1st Lt. Harry Baliaga Jr. ng Army’s 56th Infantry Battalion na nakabase sa Bulacan  sa pagdukot kay Jonas.

Una nang sinabi ng SC na mahalaga ang  report ng CHR sa ipalalabas nilang desisyon sa idinulog na petisyon ni Mrs. Burgos na naglalayong mapawalang-bisa ang ruling ng Court of Appeals na nagsasaad na walang sapat na batayan upang idiin ang military sa pagkawala ng batang Burgos. Teresa Tavares

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply