TH, PH lalabanan ang drug trafficking

MAGSASANIB-puwersa ang Thailand at Pilipinas para labanan ang paglaganap ng drug trafficking sa bansa at ibayong dagat.

Ito ang napagka-isahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alberto del Rosario at foreign Minister Kasit Piromya sa pagtatagpo ng dalawang opisyal sa Special Informal Foreign Ministry
meeting on the East Asia summit sa Bangkok.

Sinabi ni Secretary Del Rosario, simula ng maging hamon ang drug mule sa bansa lubhang mahalaga aniya ang pagtutulungan ng Thailand at Pinas.

Palalawakin ng dalawang bansa ang kanilang ugnayan sa intelligence sharing sa pamamagitan ng United Nation, Interpol at Asean.

Ang nabuong hakbangin ay ilalatag ng Thailand at Pilipinas sa kanilang 5th Philippine-Thailand joint commission for bilateral cooperation upang pagtibayin. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply