Thia Megia biktima ng racial discrimination , obvious ba?

DALAWA ang na-eliminate ngayong linggo sa “American Idol” na sina Thia Megia at Naima Adedapo.
Sa performance night ngayong linggo sa American Idol, palabas sa GMA News TV Channel 11, kinanta ni Adedapo, ang 26-year-old na mula sa Milwaukee , ang “I’m Still Standing.” “Daniel” naman ang kinanta ng 16-year-old Fil-Am na si Megia.

Pinahangang muli ni Megia ang mga judges sa kanyang magandang boses “You  internalized it and that was a beautiful moment for you,” sabi ni Lopez sa  version ni Megia ng classic na kanta ni Elton John. Sabi ni Jackson, “It showed a very relaxed side of you and people could hear your beautiful voice.” Dagdag  naman ni Tyler, “When you find the right song, the voice appears.”

Ngunit sa resulta ng 55 million votes ng mga manonood ngayong linggo, sina Megia at Adedapo ang nakakuha ng pinakamababang boto.

Kahit sinabi pa ni IDOL judge Jackson na may hawig ang perfect tone ni Megia, anak ng mga U.S. immigrants na mula sa Pampanga sa tone ng yumaong King of Pop na si Michael Jackson, see?

(I think Bernie, in more ways than one biktima si Megia ng discrimination dahil sa kanyang color at pagka-Fil-Am. Yun na nga ba ang evil ng text-voting kasi ang labas riyan ay popularity at palakasan, not the quality of voice. Sa sobrang ganda ng feedback
ng mga matataray na judges makakapaniwala ka bang babagsak pa si Thia kung di
lang sa text- vote-text-vote na ‘yan, hmp!_ED.)

Ang magandang balita para sa mga fans nina Megia at Adedapo, kasama pa rin ang  dalawa sa “American Idols LIVE! Tour 2011.” Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa IDOL na Top 11, at hindi ang nakagawiangTop 10, ang kasama sa tour.

Tuwing  Huwebes ang “American Idol,”  6 pm (may same day replay ng 10 pm), at
Biyernes, 6 pm (may same day replay ng 10 pm), sa GMA News TV Channel 11.

oOo

Samantala, sabi ni Tito Leo Bukas (na nag-backout sa last edition ng “Movie Writers Got Talent On The Loose” na may pakontes ang Colt 45 para sa mga gitarista, babae at lalaki, 18 to 35 years old  na sumali sa Colt 45’s “Shred to Slam” Nationwide Competition 2011.

Ang mga contestant ay dapat walang existing contract sa kahit anong  major record label. Mag-register agad sa colt45shredtoslam@yahoo.com to sign up para sa regional competitions.

Send in your name, age, gender, musical bio-data and photo as well and at which regional competition you will join. Ang unang 45 registrants per region lang ang papayagang makasali.

May natitira pang regional competitions sa Brad’s Bar in Olongapo for Northern Luzon on April 8; Harrison Park, Cebu for the Visayas on April 9 at Amnesia Bar, Laguna for Southern Luzon on April 15. Mula 4 p.m. to 8 p.m. ang screening.

Contestants must prepare two-minute performance plus 11 bottle-caps of Colt 45 and a bio-data with photo.

P5,000 ang premyo ng regional winners at kasali na siya sa national competition on April 16 sa Capone’s, Makati. Sagot ng Colt 45 at Air Philippines ang accommodation at  pocket money.

Ang grand prize ay mananalo ng P20,000 at magpe-perform sa Pulp Summer Slam kasama ng magagaling na gitarista ng bansa. 1st and 2nd runner-ups will get P10,000 and P5,000.

Bibigyan din ng VIP tickets para sa Pulp Summer Slam at gift packs from Colt 45 ang mananalo. Sponsor ng Colt 45 “Shred to Slam” national competition ang Air Philippines, Manila Broadcasting Company, Odyssey Music & Video, JB Music at Pulp Magazine. Join na, go!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply