Tiktik kalawang ni PNoy hindi uubra

BAGO-BAGO pa lang si PNoy sa poder ngunit kinakapitan na ito ng kalawang.

Wataymen, kinakalawang na ito sa mata ni Juan at sa kanyang sariling mata na rin.

Kaya naman nananawagan ito sa kanyang sandamukal niyang ispoksman na gumanap bilang tiktik kalawang.

Kaugnay ito, Suki, ng pagsemplang ng grado o reyting ng pagtitiwala ni Juan sa kanya bilang pablik serbant.

oOo

Utos niya sa kanyang mga tsuwariwap para sa komunikasyon na maglabas ang mga ito ng mga magagandang balita na kanyang ginagawa.

At hindi dapat hayaan na lang ng mga ito na puro masama o negatibo na lamang ang karaniwang lumalabas sa media para pumogi naman siya…at hindi siya pakainin ng alikabok sa reyting ni Rambotito Binay.

Siyempre pa, sumasalag ang kanyang mga tsuwariwap sa pagsasabing puno ang kanilang kamay sa pagpapapogi.

Sa internet, sa telebisyon, sa radyo, sa mga diaryo.

Pero bakit kinakalawang o semplang pa rin ang imeyds ni PNoy, huh?

Apat na nga silang nagngangangawa at hindi lang paisa-isa gaya ng ginagawa ng mga nakaraang administrasyon.

oOo

Ano nga ba ang problema at kinakalawang na ang imeyds ni PNoy?

Heto, mahal na Boss ko, ang ilang tip op di aysberg na mga problema na dapat mong gawan ng paraan para matiktikan ka ng kalawang.

Nagkakaproblema si Juan ukol sa langis, sa sahod, sa trabaho, sa presyo ng mga bilihin at marami pang iba.

Lumalabas na marami sa mga tsuwariwap mo ang nagsasabing wala silang magawa.

Pagsisibakin mo ang mga ito at palitan ng mga may magagawa.

Diyan maaaring malaglagan ka ng mga kalawang at tataas ang inyo pong reyting. Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply