Tindera ng isda binaril sa mukha todas

TIGOK ang isang tindera ng isda matapos barilin sa mukha ng hindi pa nakilalang lalaki habang ang una ay kausap ang isang kaibigan sa katabing tindahan ng isda sa Caloocan City Linggo ng madaling-araw, Abril 24.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa mukha si Marilou Degubaton, 52, ng Phase 8A, Bagong Silang.

Sa ulat, alas-4:30 ng madaling-araw, kausap ng biktima ang kaibigan na si Leonor, 43, sa tapat ng tindahan ng isda ng huli nang sumulpot ang suspek at putukan si Degubaton.

Matapos ang insidente ay parang walang nangyari na naglakad lang papalayo ang suspek at iniwang nakatimbuwang ang biktima.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa krimen. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply