Tinuklaw ng Lady Cobras ang Lady Stags

ISANG malaking upset ang itinala ng Southwestern University Ladyu Cobras nang tukain ang two-time runner up na San Sebastian Lady Stags sa loob ng apat na sets sa Shakey’s V-League 1st Conference sa San Juan City.

Inirehistro ng Cesafi Champions na Lady Cobras ang 26-24, 23-25, 25-23, 25-20 sa kanilang ikalawang sunod na panalo. Nakontrol ng Lady Cobras ang lakas ng Lady Stags sa pamamagitan ng mga pag-atake sa 4th set.

Nagpasabog sina Erika Camille Verano ng 18 points, kung saan 14 dito ay mga kills, at si Danika Yolanda Genrauli ay tumulong sa 7 puntos tungo sa 2-1 record ng Cebu-based volleyball team kasunod ng una nilang pagkatalo sa Lyceum Lady Pirates.

Samantala, napunta sa Perpetual Help Altas ang liderato sa Group B tangan ang 2-0 win-loss slate ng igawad sa kanila ang panalo ng lumabis ang bilang ng guest players na ipinalaro ng Adamson ng ipasok si Faye Guevara gayong nasa line-up na sila Michelle Laborte at Nerissa Bautista habang hindi umano nakabilang sa koponan si Guevara.

Nasayang ang laro ng Lady Falcons dahil nangunguna sila hanggang sa 3rd set, 25-20, 25-15 at 25-19 dahil sa special provision ng liga para sa mga student guest players ay maaari lang magpasok ng tatlo kada team kapag lahat ng player ay estudyante ng paaralang kinakatawan nito. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply