Tirador ng motorsiklo sumemplang, tiklo

SA KULUNGAN bumagsak ang itinuturong batikang kawatan ng motorsiklo matapos na sumemplang habang tumatakas sakay ng ninakaw na sasakyan Sabado ng hapon, Abril 2, sa Marikina City.

Nagtamo ng maraming sugat at napilay ang suspek na si Albeth Lising, 33, residente ng No. 604  Halili  st.,  Sampaloc, Manila.

Pormal namang nagsampa ng kaso ang may-ari ng motorsiklo na si  Nancy  Brillantes ng  Bagong Silang, Brgy.  Parang, Marikina  City.

Sa ulat, dakong alas-3:20 ng hapon ng biglang sakyan at itakas  ng suspek ang motorsiklo habang nakaparada sa tapat ng isang sikat na food chain.

Kasalukuyang kumakain ang biktima kasama ang isang kaibigan nang makita nito ang ginawa ng suspek.

Agad na humingi ng tulong sa mga security guard ng food chain ang biktima at hinabol ang suspek na sa sobrang taranta ay sumemplang.

Narekober sa pag-iingat ng suspek ang isang screw driver at iba’t-ibang klase ng susi ng motorsiklo. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply