Cacayan itinanggi ang mga reklamo sa kanya

MARIING itinanggi ni Tita Cacayan ang mga reklamong ibinabato laban sa kanya ng kampo ng isa sa binitay na Pilipino sa China.

Si Cacayan ay nahaharap sa kabi-kabilang reklamo sa Department of Justice (DOJ) dahil sa paratang na sangkot siya sa illegal recruitment at operasyon ng iligal na droga.

Kasama sa mga kinakaharap niyang reklamo ay ang kidnapping, transportation of illegal drugs, large scale illegal recruitment at paglabag sa Anti-Trafficking in Person Act.

Kinumpirma naman ni Cacayan na personal niyang kakilala ang mga Ordinario na kababayan niya sa Isabela.

Sa katunayan aniya, nakasama pa niya sa Macau si Jayson Ordinario, kapatid ni Sally Villanueva, noong 2007 hanggang 2008 nang magtrabaho ito bilang gwardiya at siya naman ay bilang kasambahay.

Binigyang-diin ni Cacayan na walang katotohanan ang mga ipinaparatang laban sa kanya.

Gayunman, tumanggi na siyang maghayag pa ng detalye.

Kinumpirma rin ni Cacayan na nakakatanggap siya ng pagbabanta sa pamamagitan ng text messages.Hindi na rin niya idinetalye pa ang nilalalaman ng natatanggap na death threat.

Hindi na rin muna sinagot ni Cacayan ang tanong kung hanggang kailan siya mananatili sa kustodiya ng NBI alang-alang na rin daw sa kanyang kaligtasan. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply