TNT at Gins showdown sa Big Dome

NAGKAKANYA-KANYA sa pinapabor ang mga taga-sunod ng Talk N Text at ng Ginebra Gin Kins na magbabanatan na ngayong gabi sa pagsisimula ng Best of 7 Finals ng PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Galing sa isang Linggong pahinga ang Tropang Texters kasunod ng three-game sweep sa semifinals laban sa Air21 Express habang ang Barangay Ginebra ay dumaan sa nakapapagod na four-game win nang tuluyang lupihin ang Smart Gilas Nationals na sumailalim sa pisikal na laro sa huling dalawang games.

Bitbit ng Ginebra ang suporta ng grupo ng mga panatiko at ang never-say-die na attitude habang tiwala ang Tropang Texters sa resulta ng magagaang na panalo na naghatid sa kanila sa top position ng ten-team elimination round at ng malalaking players.

Kapwa de-kalidad ang mga head mentors ng dalawang team na sina TNT coach Chot Reyes at Gin Kings tactician Joseph Uichico na kapwa hindi nagpahayag na kumpiyansa sa isa’t-isa sa kalalabasan ng kanilang laro.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply