‘To be gay or not to be gay, ano ba talaga atcheng Dick, ha?’

MARKADO sa madlang pipol hindi lang ang track record ni Roderick Paulate sa Pinoy showbiz kundi pati na ang sariling packaging kung pag-uusapan ang career.  Mapa-drama, horror o comedy, iba ang hataw ni Dick.

O, di nga ba lahat ng roles kinakaya niya? May nagsasabing mahusay talaga si Dick sa “Dead Na Si Lolo” pero ilang henerasyon man ang dumaan, nakatatak pa rin na siya si “Petrang Kabayo”, ang gay na isinumpa at pag  kabayo na ay kinakastigo ng diwata ng mga kabayo na ginampanan ng yumao nang si Zorayda Sanchez.

Kahit naigawa na ng remake ang “Petrang Kabayo” starring Vice Ganda ay si Dick pa rin ang nakatatak sa puso ng masa.

Maraming nagulat sa tindi ng charisma ni Roderick nang tumakbo itong konsehal ng Kyusi  nitong nagdaang 2010 elections.  First time niyang pumalaot sa politics pero lusot agad at naglilingkod na ngayon sa termino ni Mayor Herbert Bautista.

Sey ng mga taga-Kyusi, hindi nga raw siya gaanong nangampanya kumpara kina Arnel Ignacio at Ara Mina na diddiban ang pag-iikot. Wala rin daw ipinang-akit na limpak na salapi sa kampanya si Dick pero bakit taob sina Arnel at Ara na kapwa talunan.

Kumpara pa rin daw kay Alfred Vargas na wagi rin bilang konsehal, walang gandang lalaki at perang tiningnan kay Dick. Basta wagi siya bilang Roderick Paulate na simpleng tao kahit sikat at sinsero sa bawat taong kausap.

May mga nag-aakala na gay si Roderick pero bakit naman daw nagkaka-girlfriend? Di nga ba open naman na naging sila dati ni Jackie Aquino?  Wala rin daw keber sa constituents ni Dick  kesehodang  bulatlatin ang kanyang gender lalo pa at  gentleman naman ang dating ng kanilang konsehal.

Aba, much fulfilling pa nga raw kung gay talaga si Dick dahil isa na namang gay personality ang nakapagtataas ng bangko ng mga hinahatulang hitad kuno ng lipunan. Hindi nga raw atseng ang kanilang konsehal. Mahusay lang daw talagang magdala ng kahit anong packaging as an artist.

Teka, ibig bang sabihin nun,  walang binatbat sina Ara at Arnelli kaya taob sila kay Roderick.? E kung si Vice Ganda naman kaya ang tumakbo ( Saan daw, my dear Editor, di ba sa San Lazaro Race track o sa green fields, ha! ha! ha!) sa pulitika, may kinabukasan kaya?

Naku, baka biglang kalimutan na ni Vice Ganda ang pagtataray at pagmamayabang daw  na ayon sa mga taga-Kyusi ay never nakita kay Dick?

Sa true lang naman daw, Vice Ganda is nothing but a trying hard copycat ni Dick.

It might  seem too early pero ang totoong hatol ng Kyusi constituents ay mas lulutang kung muli siyang magiging winner as re-electionist sa 2013 elections. Abangan! Abangan din kung magkaka-dyowa pa si Konsehal Dick. Chat Santos

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply